Losing Control - Chapter 5 - HazyBazy (2024)

Chapter Text

Nanay Millie

Nasa hapagkainan si Nanay Millie, Colet, at Maloi at kumakain ng almusal. Pangalawang araw na ni Maloi sa Tagbilaran at napapansin na ni Nanay Millie ang pagkainip nito.

Tinignan ni Nanay Millie si Colet na nakaupo sa kanang bahagi ng mesa. Tahimik na kumakain ito ng almusal pero iwas na iwas ang tingin nito kay Maloi. Tinignan din ni Nanay Millie si Maloi na nasa kaliwang bahagi ng mesa at kaharap ni Colet. Tila ayaw rin nitong makita ang pagmumukha ni Colet.

“Nag-aaway ba kayo?” Biglang tanong ni Nanay Millie. Nabilaukan si Colet at dali-daling kinuha ang baso ng tubig.

“Buti nga.” Komento ni Maloi at inirapan nito si Colet.

Gigil na tumayo si Colet at sinabing, “Bugahan kaya kita ng tubig diyan?”

“Wow. Mature.”

Napasimangot si Nanay Millie. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong away lalo na’t maraming bata na rin ang naalagaan niya noong namamasukan pa siya bilang katulong. Ang hindi niya inaasahan ay ang pag-aasta ng apo niyang si Colet.

“MARIA NICOLETTE.” Tumaas ang boses ni Nanay Millie at parehong natigilan si Colet at Maloi. Bumuntong hininga si Colet at bumalik sa upuan niya. Dahan-dahang tinitigan ni Maloi si Nanay Millie na nakatingin pa rin kay Colet.

Noong kumalma na si Colet ay huminga ng malalim si Nanay Millie at tinignan na rin si Maloi. “Colet, Maloi… Hindi ko alam kung meron ba kayong hindi pagkakaintindihan or may ginawa ba ang isa sa inyo na hindi nagustuhan ng isa, pero hindi tama na mag-away kayo sa hapagkainan. Lalong hindi rin makakatulong sa ating tatlo kung hindi niyo maaayos ang inyong pagkakaiba.”

Umiiwas pa rin ng tingin si Colet kay Maloi at halatang galit na ito.

“Ano ba ang nangyari at hindi kayo magkasundong dalawa?”

Tahimik pa rin ang dalawa. Tinignan ni Nanay Millie si Maloi.

Huminga ng malalim si Maloi, “Sorry, Nanay Millie. I should not have made that comment. Pero ito kasing apo niyo eh. It’s obvious that she does not like having me here. I don’t remember doing anything to her and yet she told me that I’m her problem.”

Bumalik ang tingin ni Nanay Millie kay Colet. Ngayon ay nakakunot na ang noo ng matanda dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ni Maloi. “Colet? May problema ka ba kay Maloi?”

Nakatiim ang panga ni Colet pero nakita ni Nanay Millie na sinusubukan nitong kumalma. “Wala.”

Tumawa si Maloi at tinanong si Colet, “But what about that thing you said to me back at the airport? When I asked you what’s your problem? Hindi ba sinabi mo na ako?”

“Oh, so tapos? Anong gusto mo mangyari? Ulitin ko? Gustong-gusto mo ‘ata na pinoproblema ka ng ibang tao ah. Papansin ka kasi.” Nang marinig ni Nanay Millie ang pabalang na sagot ni Colet ay agad itong tumayo at tinignan ang dalawa.

“TAMA NA. Maloi. Colet. Itigil niyo na ‘yan.” Hinawakan ni Nanay Millie ang ulo niya at umupo. “Hay nako Diyos ko, kayong dalawa. Daig niyo pa ang mag-asawa kung magtalo!”

Tahimik ang paligid at narinig ni Nanay Millie na huminga ng malalim si Colet. Tumayo ito at agad na inakap si Nanay Millie. “Sorry po, Nay. Sinira ko yung almusal natin.”

“May isa ka pang dapat hingan ng pasensya.”

“Bakit ak—” Tangkang protesta ni Colet.

“Ikaw din, Maloi.”

“Huh??? Why???”

Nako po, Diyos ko. Mukhang hindi talaga magkasundo itong dalawang ‘to. Kailangan ko ng mamagitan dito.

“Hay kayong dalawa talaga… Habang pinag-iisipan niyo kung hihingi kayo ng paumanhin sa isa’t isa, meron akong iuutos na gawin niyo ngayong araw.”

Tumayo si Nanay Millie at inilabas ang mga kahon ng sandwiches at ang limang tray ng spaghetti na pinagkakaabalahan niyang gawin kaninang madaling araw. Nakagawian na kasi ni Nanay Millie na tumanggap paminsan-minsan ng order ng mga pagkain mula sa mga kakilala niya sa simbahan at palengke kung may mga munting selebrasyon ang mga ito.

Lumingon ito at tinignan si Colet. “May order ang Tita Marci mo na mga sandwiches at spaghetti ngayong araw. Kailangan daw nila ito ng 10:00 am. Pakihatid na lang sa kanila at tulungan mo na rin silang mag set-up. Isama mo si Maloi para makapaglibang din siya.”

“Pero Nay…”

“Ayoko na makarinig ng ‘pero’, Colet. Wala ka namang gagawin ngayong araw, hindi ba? Baka pwede mo na rin isama si Maloi mamaya sa birthday party ni Sheena.”

“Eh hindi naman siya invited!” Pasigaw na sagot ni Colet. Pinanlakihan siya ng mata ni Nanay Millie.

“Nako Maria Nicolette ha. Ano ba ang sumapi sa’yo at para kang batang nagdadabog diyan? Inip na inip na si Maloi dito at gustuhin ko man na ilabas at ipasyal ‘tong batang ‘to ay masyado na akong matanda para maglibot ng matagal lalo na at napakainit ng panahon.”

Halata ang excitement sa mukha ni Maloi ng makarinig ng birthday party samantalang bakas naman sa mukha ni Colet ang pagkainis. Liningon ni Colet si Maloi at sinabing, “Kung isasama kita ngayong araw, ayoko ng maarte at mareklamo. Tumulong ka mamaya kay Tita Marci. At isa pa. Birthday ng matalik na kaibigan ko ‘yun mamaya kaya umayos ka. Please lang.”

Tumayo si Maloi at nilapitan si Colet. “Alam mo, cute ka sana eh pero napaka-bossy at grumpy mo. Pass sa mga palautos na masungit.”

Hindi kinibo ni Colet si Maloi at pasimple lamang itong sumagot na, “At least hindi childish at problematic.”

Napabuntong-hininga na naman si Nanay Millie.

Bibilis ata ang pagtanda ko sa dalawang ito.

Sheena

Binasa ng paulit-ulit ni Sheena ang palitan nila ni Colet kanina sa Facebook messenger.

Atkuy 2:45 p.m.

Shee, pasensya na. Kung may choice ako hindi ko to gagawin pero pwede ba madala sa party mo mamaya ang bwisita? Nagpumilit kasi si Nanay Millie, naiinip na daw ‘to dito.

Sheena 2:47 p.m.

OHEMGEEEEEEEEE ano ba Atkuy!!!!! SYEMPRE OO AGAD!!!! Gusto ko na makilala ang aking soul sister!!!

Atkuy 2:48 p.m.

????????????????? SOUL SISTER?????? Hindi mo pa nga nakita ‘tong bruha na ‘to, soul sister agad??? Pinagpapalit mo na ba kami???

Sheena 2:50 p.m.

HAHAHAHAHA Atkuy di bagay sayo maging seloso. Tsaka teka… diba ikaw yung nagfe-favor diyan??? Bakit galet??

Atkuy 2:52 p.m.

Anak ng… Okay, okay… SALAMAT. See you, pangit.

Sheena 2:54 p.m.

Nag eexpect ang pangit na ‘to ng isang NAPAKAGANDANG regalo mula sa’yo. TENKYU ATKUY KONG POGANDAAAAA.

Hindi mapakali si Sheena at ngayon ay nakatayo siya sa harap ng bahay nila at kanina pa sinisilip ang mga paparating na sasakyan.

“Bebe, kanina ka pa hindi mapakali diyan. Umupo ka na nga muna dito at nahihilo ako sa’yo.” Liningon ni Sheena si Gwen na nakaupo sa sofa nila. Nakasuot ito ng maluwag na ¾ white polo shirt at itim na pantalon. Suot din nito ang puting sneakers niya at ngayon ay naka-sumbrero pa rin ito.

Pormang-porma na naman si bebe. Ready na talaga maging escort ko.

Busy ang bahay ni Sheena sa dami ng tao para sa 18th birthday niya. Simple lang naman ang selebrasyon. Naglagay sila ng mga mesa at upuan sa garden ng bahay nila. Meron ding maliit na stage kung saan may nakalagay na backdrop at speakers sa magkabilang dulo. Nakalabas na rin ang gitara para sa munting tugtugan na mangyayari mamaya at naka-ready na rin ang playlist para sa sayawan na magaganap pagkatapos ng maikling program. Hinanapan din ni Gwen ng white screen at projector ang stage para makapag-play siya ng powerpoint na may collage ng mga “growing up” pictures ni Sheena.

Ngayon ay malakas na ang tugtugan at nagsisidatingan na rin ang bisita na isa-isang binabati ni Sheena.

“Ang tagal kasi nina Atkuy!!! Tsaka excited na ko makilala si Maloi! Diba sabi mo maganda at kikay? Magkakasundo kami nun!”

“Bebe, kahit sino naman nakakasundo mo ‘eh. Kahit pusa sa kanto na walang pake sa tao eh napapasunod sa’yo sa sobrang friendly mo.”

“Baliw ka, bebe!”

Maya-maya ay natanaw na ni Sheena si Geronimo na dahan-dahang pinapark ni Colet sa gilid ng daan. Pagkatapos nito ay bumaba na si Colet at sumunod naman ang babaeng nakaupo sa kanyang front seat. Malayo pa ay tanaw na ni Sheena na parehong may dalang dalawang malaking box si Colet at ang kasama nitong si Maloi.

Hindi na naman maipinta ang mukha ng Atkuy niya na nakasuot ng puting sleeveless na panloob at naka-layer ng isang loose baby blue long sleeved na polo. Naka itim na pantalon ito at suot ang paborito niyang white sneakers. Nakasunod sa likuran nito si Maloi na nakasuot ng all white outfit na fitted cropped top at loose pants.

Hala, bakit bagay silang dalawa? Hindi nga nagsisinungaling si bebe!

“Atkuy!!!!!” Sigaw ni Sheena. Napangiti si Colet ng makita niya si Sheena at dali-dali itong naglakad papunta sa birthday celebrant.

“Happy 18th birthday, Shee!” Niyakap siya ni Colet ng mahigpit. Nang humiwalay na ang dalawa ay hindi napigilan ni Sheena na tumingin sa likuran ni Colet kung saan nahihiyang nakatago si Maloi.

“Hi! You must be Sheena. Happy birthday!!”

Napatili si Sheena at agad na niyakap si Maloi. “Hellooooooo!!!! Oh my god, ang ganda ganda mo po. Nice to meet you po!!!”

Namula ang pisngi ni Maloi at ngumiti ito. “Not as pretty as the celebrant! I love your dress! It hugs your body perfectly!”

Kinilig si Sheena at umikot siya para ipakita ang suot niyang olive green na long dress. “I feel beautiful tonight!”

Umiling si Colet na nakangiti pa rin kay Sheena. Hindi na miss ni Sheena at pasimpleng tingin ni Maloi kay Atkuy niya na para ‘bang nagulat sa inaasta nito.

Tahimik naman na lumapit si Gwen sa tabi ni Sheena at binati si Maloi. “Hi, Maloi! Good to see you. Buti naman nakapunta ka.”

“Thanks to your grumpy friend here. Muntik na niya ‘kong iwan kanina.” Pasimpleng banat ni Maloi kay Colet. Umirap si Colet na tinaasan lamang ng kilay ni Maloi.

“Anong klaseng tao ba naman kasi ang nag-aayos ng dalawang oras?”

“Apparently, someone who wants to make a good impression and look good for a party.”

Bago pa magtalo ang dalawa ay sumingit na si Sheena sa usapan, “Heeeep! Birthday ko today so bawal ang nag-aaway.”

Bumuntong hininga si Colet na mukhang nasa dulo na naman ng sinulid ang pasensya.

“Shee, saan namin pwedeng ilagay ‘tong mga regalo mo?” Tanong ni Colet. Kinuha ni Gwen ang mga dalang box ni Colet at Maloi.

“Ako na, Col… Bebe, samahan mo na kaya sila sa loob? Sunod na lang ako pag nalagay ko na ‘to sa table sa loob ng bahay.”

“Ay sige. Tara, Atkuy, Maloi… Pasok kayo!”

OMG, this is going to be fun!

Colet

Kung sino man ang nakaisip ng laro na ‘to ay malalagot sa akin mamaya.

Nakabalanse ang isang paa ni Colet sa natuping newspaper na kasinglaki ng isang ¼ crosswise paper. Kapareha niya si Maloi at kasalukuyan nilang pinagkakasya ang mga sarili nila sa napakaliit na papel. Nakaapak na ang kanang paa ni Maloi sa kaliwang paa ni Colet pero hindi pa rin nila mabalanse ang mga sarili nila.

Muntik na madulas ang paa ni Maloi pero mabilis siyang hinawakan ni Colet sa bewang. Nagulat si Maloi at nakita ni Colet kung gaano nanlaki ang mata nito. Hindi rin natantiya ni Colet ang paghila niya kay Maloi at ngayon ay nakahawak si Maloi sa mga balikat niya habang ang mga mukha nila ay ilang pulgada na lang ang layo.

Ang hassle namannito.

Iniwas ni Colet ang mukha nito at para na lang silang naka cheeks to cheeks ni Maloi sa posisyon nila.

Bakit kasi ang tagal ng round na ‘to?

“Huwag ka nga malikot!” Mahinang sabi ni Colet at bahagya niyang hinigpitan ang hawak sa bewang ni Maloi. “Matutumba tayo sa kakagalaw mo diyan eh.”

Bago pa makasagot si Maloi ay narinig ni Colet na nagsimula na ulit ang tugtog, hudyat na magsisimula na naman ang bagong round at itutupi na naman ang napakaliit na newspaper. Dahan-dahan niya tinanggal ang kamay sa bewang ni Maloi at tinupi ang newspaper.

Pa’no kaya kami magkakasya dito eh iisang paa na lang ‘ata ang pwedeng makatapak sa pagkaliit na papel na ‘to?

“You can just carry me, you know.” Sabi ni Maloi with a teasing grin on her face habang si Colet ay abala sa pagtutupi ng newspaper.

Tinignan siya ni Colet. “Bigat mo kaya!”

“Excuse me! Ang payat ko nga eh!”

“Oo, kasi puro ka hangin.” Maloi punched Colet’s shoulder. “Aray! Ang sakit ‘non ah!”

Nakita ni Colet na lumalapit na sa kanila ang emcee sa birthday ni Sheena habang hinihimas ang kaliwang balikat niya.

Ang lakas ng babaeng ‘to. Boksingera ba ‘to?

Apparently, iniinterbyu na ng emcee ang dalawang pares na natitira sa Newspaper Dance na pakulo malamang ng debutante. Balak pa magtago kanina ni Colet pero hindi siya nakatakas kay Sheena nung tinawag nito ang kanyang pangalan sa mikropono bilang kapares ni Maloi sa game na ito.

“And now we have the other remaining pair – Maloi and Colet! How are you ladies feeling tonight? Sa tingin niyo ba ay maipapanalo niyo na ang next round for a chance to receive the PhP 5,000.00 cash prize?”

Naghiyawan ang mga bisita at dinig ni Colet ang kantiyaw ni Sheena from the other end of the stage.

“Go, Atkuy!!! Either way, win-win ka naman!!!” Natatawang side comment ni Sheena na sinabayan ng sipol ni Gwen.

Lagot talaga ‘tong dalawang ‘to sa akin mamaya.

“Of course, aware naman kayo na if you lose, the penalty is that the two of you will have to be handcuffed together until the program is over.” The emcee gave Colet and Maloi a knowing look. Inirapan ni Colet ang host at nagulat ito ng makita niyang kinuha ni Maloi ang mic.

“Confident akong manalo pero mukhang gusto ng partner ko na ma-handcuff sa akin buong gabi.” Tumawa ang mga bisita ni Sheena, may iba rin na sumipol at humiyaw. Maloi flipped her hair and shot Colet a look as if challenging her to prove her wrong. The emcee then walked back to the center of the stage finishing his spiel.

Naramdaman ni Colet ang pag-init ng tenga niya pero nanatili siyang kalmado. Naisip niya na nagpapansin lang itong si Maloi at ayaw niya i-entertain ang mga kadramahan nito just so she can get the reaction she wanted from Colet.

Colet will never give her the satisfaction of knowing na naiirita na siya. Ayaw din ni Colet na makita ni Maloi na affected siya sa mga pinaggagawa nito.

So, Colet managed a straight face and with the utmost boredom that she can muster, simply stated, “Pag tayo talaga nanalo dito, akin lang ang PhP 5,000.00 dahil nananabotahe ka.”

Ang hindi niya inexpect ay ang mabilis na sagot ni Maloi. “Pag tayo talaga natalo dito, Maria Nicolette Vergara, akin ka lang the whole night.”

There was a hint of mischief in Maloi’s eyes and Colet was close to losing her cool.

No, stay strong, Col. Hindi ka naaapektuhan sa mga ganito. Keep your temper in check. Mag-aabogado ka, ‘di ba?

Cool, calm, and collected.

Lumapit si Colet kay Maloi, almost clenching her jaw. “Huwag mo ‘ko i-full name. Hindi mo 'ko kilala”

Ni hindi man lang umatras ang bwisita. Instead, Maloi closed the distance with a confident smile on her face, “Huwag mo ‘ko subukan, Maria Nicolette Vergara. Hindi mo rin akokilala.”

Stay strong, Col.

Losing Control - Chapter 5 - HazyBazy (2024)
Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Msgr. Refugio Daniel

Last Updated:

Views: 5293

Rating: 4.3 / 5 (74 voted)

Reviews: 81% of readers found this page helpful

Author information

Name: Msgr. Refugio Daniel

Birthday: 1999-09-15

Address: 8416 Beatty Center, Derekfort, VA 72092-0500

Phone: +6838967160603

Job: Mining Executive

Hobby: Woodworking, Knitting, Fishing, Coffee roasting, Kayaking, Horseback riding, Kite flying

Introduction: My name is Msgr. Refugio Daniel, I am a fine, precious, encouraging, calm, glamorous, vivacious, friendly person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.